GIVE ME A BREAK: Tagalog ako ngayon :D
Sa aking paglalakbay ay maraming mga pagsubok na dapat lagpasan, lakasan ang loob at may tamang pag-iisip. Hindi sa lahat ng bagay ay dapat natin sundin ang mga ating naiisip. Siguraduhin natin na tama at sigurado ang bawat plano natin para sa ating kaligtasan. Sa mga larawan iyan ay aking mga paglalakbay na may halong takot kahit na nangingibabaw pa rin ang kasiyahan. Iniisip ko na lng na kaya ko ito at syempre hindi ko nakakalimutan na bago umakyat ay dapat magdasal at hanggang pagbaba. Masaya rin ako dahil sa ilang mga mahihirap na trail at ibang part ng bundok ay nakayanan ko. Basta kailangan lamang ng nasa tamang pag-iisip.
Marami sa ngayon ay bastta na lamang makaakyat. Ginagawa na nilahalos itong libangan. Nakataas at nakababa lamang ng bundok akala nila nila ay isa na silang "mountaineer". Para sa akin ang isang "mountaineer" ay hindi nasusukat sa dami at layo ng inakyat kundi nasa pagsubok lalo na kung nagsimula ka talaga sa isang grupo na kung saan tuturuan kayo ng tamang disiplina sa pag akyat ng bundok. Ilan sa mga ito ay ang "rules and regulations bago ka umakyat. Maraming dapat malaman at tandaan para sa ating kaligtasan. Iwasan rin sana natin na umakyat ng solo lamang kahit pwede ito much better kasi na kung solo ka lang ay may kasama ka pa rin kahit mga locals man lang.
Kalimitan sa mga bawat bundok na ating tinatahak ay maraming mga iba't-ibang misteryo na kung bakit ganito, ganyan at kung saan nanggaling. Marami na rin ako na experience lalo na sa bundok Mt. Marami na may kasindak-sindak talaga na pangyayari na aking naramdaman at nakita at hindi lamang ako kundi pati na rin ang mga aking kasamahan hindi namin iyon pinansin sa kadahilanan na dapat na namin bilisan para hindi kami abutin ng gabing-gabi dahil na rin sa napagod kami kasi nag "dayhike" lang kami at nawalan na din kami ng tubig pagtanggal uhaw. Katulad nitong kalagayan na ito na kailangan pa rin natin maghanda kasi hindi naman natin alam ang mangyayari at ang bukas. So much better pa rin na laging handa.
Muli ito muna ang aking mailalahad dahil may klase pa po ako hehehe.. Till next time guys!
Hello!
ReplyDeleteDone updating your Blog URL in the listings as requested.
Best Regards,
BNP
blogsngpinoy.com
Wow Thanks so much ^^
ReplyDelete